Home
“Panata't Pag-ibig” by Gary Granada
Album Invitation to a Chapel Wedding [2007]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

(Ahh...)

Ang ating pagsinta'y wala sa kalawakan
Ako ay 'di araw, ikaw ay 'di ang buwan
Ang ating pag-ibig wala sa alapaap
'Di sa himpapawid at mga ulap

Sa gitna ng agam-agam, sa piling ng pangangamba
Kakambal ng kasaysayan itong ating pagsinta
Ang pagsubok at panganib sa panahon na ligalig
Ang siyang magpapanday sa ating panata't pag-ibig

(Ahh...)

Ikaw ay apoy at ako ay hangin
Alab at lamig sa liwanag at dilim
Tayo'y mga punong matayog ang pangarap
Ngunit sa lupa'y laging nakaugat

O, pawis at dugo
Ang magpapalago
Sa ating pagsuyo

Sa gitna ng katanungan kung wasto at kung mali
Laging may maaasahan, laging may katunggali
Ang mga tula at himig ng minimithi nating daigdig
Ang siyang magpapanday sa ating panata't pag-ibig
Comments
blog comments powered by Disqus