Home
“Salamat, Salamat Musika” by Gary Granada
Album Sa Pagitan ng Ngayon at Kailanman [2005]
Words By Gary Granada
Music By Gary Granada
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Paano mo patahimikin ang isang bunsong iyakin
Huhunihan ni inay ng lalarin-larin
Paano mo patatahanin ang pagtatampo ni Neneng
Pasalamat ka't may awit na kakantahin

Sa mga indayog tayo'y napapasayaw (napapasayaw)
At sa labis na galak ay napapasigaw
Ang mga kirot sa puso ay lumilipad
Ang mga mithi (ang mga mithi) ay natutupad (ay natutupad)

Salamat, salamat musika
Lahat ng panahon maaasahan ka (maaasahan ka)
Salamat, salamat musika
Itong munting mundo ay napapasigla (napapasigla)

Ang mga bituin sa langit at mga katha ng isip
Ay hindi sapat upang mabuhay ang daigdig (mabuhay ang daigdig)
Ang magagandang tanawin at mga tulang malalim
Kukulangin din upang tayo ay aliwin

Aanhin ang kayamanang 'di madadala ('di madadala)
Aanhin ang kagandahang pansamantala
Ang katahimikan ba ay may magagawa
Upang ihayag (upang ihayag) ang nadarama (ang nadarama)

Salamat, salamat musika
Lahat ng panahon maaasahan ka (maaasahan ka)
Salamat, salamat musika
Itong munting mundo ay napapasigla (napapasigla)

Salamat, salamat musika
Lahat ng panahon maaasahan ka
Salamat, salamat musika
Itong munting mundo ay napapasigla

Salamat musika (salamat musika)
Salamat musika (salamat musika)
Salamat musika
Comments
blog comments powered by Disqus