Home
“Ibig Sabihin” by Gary Granada
Album Sa Pagitan ng Ngayon at Kailanman [2005] / Gary Granada Award Winning Pieces [2010] / The Essential Gary Granada Collection [2011]
Words By Gary Granada
Music By Gary Granada
Ave. Rating: 0 (0 votes)

'Di ba't kung minsa'y 'di mo masabi-sabi ang ibig sabihin
'Di naman kaya'y 'di mabigkas-bigkas ang ibig bigkasin
Sa dinami-dami ng mga nilalaman ng pagkayaman-yaman nating talatinigan
Himalang 'di maintindihan, 'di mo masabi ang ibig

Kahit ang dakila ay tila ay dila ay namimilipit
At ang salita'y 'di matumpak-tumpak at patumpik-tumpik
Tunay nga kayang tunay ang sinasabi ng ika nga'y nakatatanda kung matatandaan
'Pag ibig sabihi'y 'di masabi-sabi sabi'y pag-ibig

At ang ibig lang sabihin
Ang marapat marapatin
Ang 'di mo pansin, dapat pansinin
Ang 'di mo rinig, dapat ay dinggin

Kadalasan ay dinadaan-daan na lang natin sa biro
Kahit naglulupasay at nagdurusa at nagdurugo
'Di nga ba't ang sabi ng lumang kasabihan 'di yata't "tulak ng bibig ay kabig ng dibdib"

Comments
blog comments powered by Disqus