Home
“Iisa” by Gary Granada
Album Invitation to a Chapel Wedding [2007] / MAPA 2: Mga Awit na Magagamit sa Panlipunang Aralin, Vol. 2 [2014]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

(Ahh)
(Ooh)
(Ahh)

Minsa'y nasanay na nang nasanay
Sa konting konswelong aliw
Sa dinami-daming pasikot-sikot ng buhay
Napakadaling mabaliw

Kung ikaw ay nanlalamig
Ako ay nakikinig at nakakaintindi
At sa hibang na daigdig
Ay mayro'n kang kakampi

Ang pangarap mo'y pangarap ko
Ang pasanin mo'y pasanin ko
Ang damdamin mo'y damdamin ko, sinta
Ang kalayaan mo'y kalayaan ko
Ang digmaan mo'y digmaan ko
Buhay mo at buhay ko'y iisa

(Ahh)

At kung ang karamihan ng buhay
Pakikipagsapalaran
Nakataya ang pag-ibig kong tunay
Sa lahat ng labanan

Kahit ano'ng daratnan
Hindi pagsisisihan
Ako ay naririto
Sa kadulo-duluhan handang sumama sa 'yo

Ang pangarap mo'y pangarap ko
Ang pasanin mo'y pasanin ko
Ang damdamin mo'y damdamin ko, sinta
Ang kalayaan mo'y kalayaan ko
Ang digmaan mo'y digmaan ko
Buhay mo at buhay ko'y iisa

Buhay mo at buhay ko'y iisa
Comments
blog comments powered by Disqus