Home
“Kapag Sinabi Ko sa Iyo” by Gary Granada
Album Invitation to a Chapel Wedding [2007] / Samu't Saring Gary Granada [2008]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

(Ooh)

Kapag sinabi ko sa 'yo
Na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo
Na ako'y isang mortal

At 'di ko kayang abutin
Ang mga bituin at buwan
O 'di kaya ay sisirin
Perlas ng karagatan

(Ooh)

Kapag sinabi ko sa 'yo
Na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo
Na ako'y taga-daigdig

Kagaya ng karamihan
Karaniwang karanasan
Dala-dala kahit saan
Pang-araw-araw na pasan

Ako'y hindi romantiko
Sa 'yo'y 'di ko matitiyak
Na 'pag ako'y kapiling mo
Kailanma'y 'di ka iiyak

Ang magandang hinaharap
Sikapin nating maabot
Ngunit kung 'di pa maganap
Sana'y huwag mong ikalungkot

(Ooh)

Kapag sinabi ko sa 'yo
Na ika'y sinisinta
Sana'y yakapin mo akong
Mulat ang 'yong mga mata

Ang kayamanan kong dala
Ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba
Na nabighani sa bayan

Halina't ating pandayin
Isang malayang daigdig
At nang doon payabungin
Isang malayang pag-ibig

Kapag sinabi ko sa 'yo
Na ika'y sinusuyo
Sana'y ibigin mo akong
Kasama ang aking mundo
Comments
blog comments powered by Disqus