Home
“Natutunan sa Buhay” by Gary Granada
Album Basurero ng Luneta [2009] / The Essential Gary Granada Collection [2011]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Dapithapon na ng buhay
Alam ko na kahit pa'no
Pasimplehin ang mga bagay
Iwasan ang kumplikado

Ngunit pagdating sa pag-ibig
Lagi't laging nalulupig
Nangangapa pa rin
Nadadapa pa rin
Lampa pa rin

Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay
Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay

Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay
Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay

Sa hangin ng mga pasanin
'Di na ako natatangay
Sa karaniwang suliranin
'Di na ako bumibigay

Ngunit sa kaway ng pagsuyo
Malimit mabuway ang pangako
Nangangapa pa rin
Nadadapa pa rin
Lampa pa rin

Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay
Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay

Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay
Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay

At sa naglipana na tukso sa mundo
Bugbog-sarado na itong puso

Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay
Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay

Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay
Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay

Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay
Wala pa rin akong
Natutunan sa buhay
Comments
blog comments powered by Disqus