Home
“Pampalipas ng Sama ng Loob” by Gary Granada
Album Sa Pagitan ng Ngayon at Kailanman [2005]
Words By Gary Granada
Music By Gary Granada
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Minsa'y 'di mo maiwasan
Ang paminsan-minsang lumuha
Minsa'y 'di mo matakasan
Ang hapding nadarama

Ako ang bayani ng mga bigo
'Di nagtatampo
'Di naglalaro
'Di naninibugho ('di naninibugho)

Ako'y walang puso at damdamin ('di kailangan malaman mo pa)
Nakahanda na maglingkod
Kahit tingin mo pa sa akin (pansamantala)
Pampalipas ng sama ng loob

Ako'y kathang isip lamang
Na 'di mo dapat seryosohin
Palamuti na halaman
'Di kailangang diligin

Hanggang makatagpo ka ng iba
Huwag mag-alala
Kung liligaya ka
Ako ay masaya

Ako'y walang puso at damdamin ('di kailangan malaman mo pa)
Nakahanda na maglingkod
Kahit tingin mo pa sa akin (pansamantala)
Pampalipas ng sama ng loob

P'wede mong iwan
P'wede mo ring balikan

Ako'y walang puso at damdamin ('di kailangan malaman mo pa)
Nakahanda na maglingkod
Kahit tingin mo pa sa akin (pansamantala)
Pampalipas ng sama ng loob

P'wede mong iwan
P'wede mo ring balikan
Comments
blog comments powered by Disqus