Home
“Kasama” by Gary Granada
Album Invitation to a Chapel Wedding [2007] / MAPA 1: Mga Awit na Magagamit sa Panlipunang Aralin, Vol. 1 [2013]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Siya'y aking kapiling sa kabiguan at tagumpay
Sa kanyang piling ako ay nahihimlay
Nakakaunawa sa aking pagkukulang
Nakakahawa ang kanyang kagandahan

Ngunit 'di lang siya kaibigan
'Di lang siya kapatid
'Di lang kasintahan o kaisang-dibdib
'Di lang siya asawa o inang uliran
Siya'y aking kasama sa mapagpalayang kilusan

Pinakaiibig, pinakamamahal
Sa aming pag-ibig, ang lahat isusugal
Ang aming pangako hanggang kamatayan
Saan man dumako ang kasaysayan

Dahil 'di lang siya kaibigan
'Di lang siya kapatid
'Di lang kasintahan o kaisang-dibdib
'Di lang siya asawa o inang uliran
Siya'y aking kasama sa mapagpalayang kilusan

Siya'y aking kasama sa pagpapalaya ng bayan
Comments
blog comments powered by Disqus