Home
“Emcee” by Gary Granada
Album Basurero ng Luneta [2009]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

At para ipakilala ang ating emcee ngayong gabi,
narito ang isang mama na poging-pogi,
Beterano sa mga kasalan, pista at Pasko.
Basta't may handaan, kahit hindi imbitado.
Ang kilabot ng entablado, walang iba kun'di... ako!

Kung nayayamot kayo sa buhay
Ako ang gagamot sa inyong lumbay
Ang abang lingkod n'yo'y nagpupugay
Wala ba kayong mga kamay

Ladies and gentlemen
Lapis and fountain pen
Ladies and gentlemen
Lapis and fountain pen

Ang magtatanghal ay salubungin
Ng masisigabong palakpak
At mararangal na panauhin
Ng dumadagundong pitong bagsak

Ladies and gentlemen
Lapis and fountain pen
Ladies and gentlemen
Lapis and fountain pen

Isa pa pong maalab na pagbati
sa ating guest speaker na suki.
Iniimbitahan palagi, sa muli't muli
dahil 'pag nagtalumpati ay maikli.

Sa masusukal na baryong
Sabik sa pa-raffle at patimpalak
At sandamukal na kuwentong
Pampatawa't pampaiyak

Ladies and gentlemen
Lapis and fountain pen
Ladies and gentlemen
Lapis and fountain pen

And the next number of our program is
a song by Gary Granada.
Ako rin po 'yon.
Comments
blog comments powered by Disqus