Home
“Babadap-badap” by Gary Granada
Album Sa Pagitan ng Ngayon at Kailanman [2005] / Gary Granada Award Winning Pieces [2010] / The Essential Gary Granada Collection [2011] / MAPA 2: Mga Awit na Magagamit sa Panlipunang Aralin, Vol. 2 [2014]
Words By Gary Granada
Music By Gary Granada
Ave. Rating: 5 (2 votes)

(Haa
Babadap-badap
Babadap-badap
Babadap-badap
Haa
Babadap-badap
Babadap-badap
Babadap-badap)

Kahit no'ng ako ay bata pa
Sa iba ako'y naiiba
Minsa'y 'di ko maintindihan
Ang aking nararamdaman

Tulad do'n sa sineng "Superman"
Habang ang buong barkadahan
Type na type nila si Lois Lane
Kay Clark ako nahuhumaling

Ito ba'y isang sumpa
'Di ko naman sinasadya
Ano nga ba'ng magagawa

Ng puso kong babadap-badap
Babadap-badap
Babadap-badap
Ang puso kong babadap-badap
Babadap-badap
Babadap-badap
Nabadap sa 'yo

(Haa
Babadap-badap
Babadap-badap
Babadap-badap
Haa
Babadap-badap
Babadap-badap
Babadap-badap)

Sabi nga ng tatay kong macho
Dapat bugbugin ang tulad ko
Sabi ng mga relihiyoso
Pupunta ako sa impiyerno

Ang bigat-bigat na ngang dalhin
Ay natatawa ka pa sa akin
O baka naman bading ka rin
Nahihiya ka lang aminin (aminin mo na)

'Di nila matatanggap
Kaya ako'y nagpapanggap
Ang sidhi at ang saklap

Ng puso kong babadap-badap
Babadap-badap
Babadap-badap
Ang puso kong babadap-badap
Babadap-badap
Babadap-badap
Nabadap sa 'yo

Ang puso kong babadap-badap
Babadap-badap
Babadap-badap
Ang puso kong babadap-badap
Babadap-badap
Babadap-badap
Nabadap, badap
Nabadap, badap
Nabadap, nabadap sa 'yo
Comments
blog comments powered by Disqus