Home
“Pagkatapos” by Gary Granada
Album Sa Pagitan ng Ngayon at Kailanman [2005]
Words By Gary Granada
Music By Gary Granada
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Alam mo bang magliliwanag na
Ang bait mo't umuwi ka pa
Pagkatapos kitang ipagsaing
Pagkatapos kitang ipaghain
Sasabihin mong ika'y kumain na

Para bang isang instant replay
Ng nangyari no'ng isang gabi
Pagkatapos mo akong pangakuan
Pagkatapos ng ating kasunduan
Hihiritan mo akong muli

Sana man lamang ay paminsan-minsan
Mauunawaan ko pa
Napakapalad mo lang, aking hirang
Mahal na mahal kita

Sana man lamang ay paminsan-minsan
Mauunawaan ko pa
Napakapalad mo lang, aking hirang
Mahal na mahal kita

Isang araw, ang langit kukulog
Mahal, alam mo na ang kasunod
Mauubos ang aking pasensiya
Igagapos kita sa isang bomba
Giliw, sana ay maawa ka

Huwag hayaang ako'y maging kontrabida
Huwag bayaang ako'y maging biyuda
Pagkatapos ay, pagkatapos ay
Pagkatapos ay tapos ka na
Song Trivia
This song was sung by Cooky Chua.
Comments
blog comments powered by Disqus