Home
“Pilipinas” by Gary Granada
Album Pagsamba at Pakikibaka [1989]
Ave. Rating: 4 (1 votes)

Ang maging tunay na Pilipino
Sa isip, salita at sa gawa
Siyang nakaukit sa aking puso
Dahil Maylalang ang may-akda

Sa tuwina'y iingatan ko
Ang iyong dangal
Kaydakila ng pangalan mo
Bayan kong mahal

Pilipinas, Pilipinas
Ang bakas ng 'yong mga bayani
Pilipinas, Pilipinas
Ay sigya kong magpupunyagi
Makasaysayang lahi mo'y bantayog
Kung kaya pangarap ko'y matayog

Pilipinas, Pilipinas
Ningas ko'y laging magliliyab
Adhikain mo't hinahangad
Layunin kong matutupad

Sa katutubo mong kagandahan
Wari ko'y wala pang dadaig
Kung sa pag-ibig ay paralumang
Tinatangi ng buong daigdig

Ang paglingap ko sa 'yo'y lantay
O aking bansa
Kung kinakailangang ialay
Buhay ma'y handa

Pilipinas, Pilipinas
Sa ilalim ng iyong watawat
Pilipinas, Pilipinas
Ang panata ko't sumpa'y tapat
Ang dugo nitong kayumangging balat
Laan hanggang sa kahuli-huling patak

Pilipinas, Pilipinas
Panuntunan kong gagampanan
Ang ika'y aking paglingkuran
Kahit kailan, kahit saan
Comments
blog comments powered by Disqus