Home
“Balon” by Gary Granada
Album Standard Issue / The Best of Gary Granada
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Malimit mong tinatanong sa akin
Ang tunay na sanhi at solusyon
Ng buhay na pinahihirap natin
Bakit nagkaganito, bakit nagkakagano'n
Ulit lang nang ulit lang nang ulit habangpanahon

Huwag kang tumingala sa alapaap
Ang ulap ay hindi panginoon
Huwag mong sisirin ang lalim ng dagat
Ang tubig na maalat ay 'di tagaroon
Daloy lang nang daloy lang nang daloy habangpanahon

Sa balon, sa balon, sa balon ay naroon
Naroon, naroon, naroon lang ang tugon
Ang tugon, ang tugon, ang tugon sa 'yong tanong ay naroon
Naro'n sa balon

May bago nga ba sa mundong ibabaw
Kung ang nando'n ay dati nang nando'n
Sisikat din at lulubog ang araw
At 'di mo maipangaw ang duyan ng taon
Inog lang nang inog lang nang inog habangpanahon

Ang ating karununga'y nakatali
Sa hangin at buhanging ilusyon
At ang dinami-daming mga lahi
Sistema at ugali, kultura't tradisyon
Salin lang nang salin lang nang salin habangpanahon

Sa balon, sa balon, sa balon ay naroon
Naroon, naroon, naroon lang ang tugon
Ang tugon, ang tugon, ang tugon sa 'yong tanong ay naroon
Naro'n sa balon

Malimit mong tinatanong sa akin
Ang tunay na sanhi at solusyon
Ang tao ay mahirap unawain
Sinasagot nila ang 'di mo tinatanong
Ikot lang nang ikot lang nang ikot habangpanahon

Sino ba ang dapat na sisihin
Sino ba ang nasa posisyon
Patulan mo ang ibig kong sabihin
Kung may ibig sabihin, ito'y isang pasyon
Ulit lang nang ulit lang nang ulit habangpanahon
Comments
blog comments powered by Disqus