Home
“San Simon” by Gary Granada
Album Basurero ng Luneta [2009] / The Essential Gary Granada Collection [2011]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Ang buhay sa lupa kayraming bagahe
Nababahala ang tao palagi
Naghahanda, baka-sakali
Na mayro'n ngang mundong walang hanggan

Ibig ko sanang ipamalita
Ang mahiwagang bayang nakita
Kung saan tanaw ang kalawakan
Ang haring araw, ang dagat at ang buwan

San Simon, San Simon
San Simon, San Simon
San Simon, San Simon, San Simon

Dito sa lupa ako'y isang mortal
Lakas ay huhupa, laman ay napapagal
Ngunit ang diwa, kahit hindi gagap
Ibig lumaya, lumaya nang ganap

Hinahanap-hanap kapahingahan
Kung saan laganap ang kabutihan
Kung saan tanaw ang magpakailanman
Ang haring araw, ang dagat at ang buwan

San Simon, San Simon
San Simon, San Simon
San Simon, San Simon, San Simon

Buhay ay 'di nga ba sapat
Hangga't hindi nasusukat ang lahat

Dito sa lupa, kayraming naliligaw
Nagkandarapa, nababalahaw
Katatanaw kung saan ang hantungan
Ng haring araw, ng dagat at ng buwan
Comments
blog comments powered by Disqus