Home
“Saranggola sa Ulan” by Gary Granada
Album Saranggola sa Ulan [2002] / Gary Granada Lovesongs Compilation [2010] / The Essential Gary Granada Collection [2011]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Naririnig ko pa ang tawa't hagikhik
Ng una kong sinta at kalarong paslit
At ang sabi ng matatanda
Siya ay maalwan, ako'y dukha
'Di raw kami bagay at kayraming dahilan
Ngunit si Bakekay ay walang pakialam

Sa aming kamusmusan
Kayraming palaisipan
Ngunit tatlong bagay ang aking natutunan
Ang pag-asa'y walang hanggan
Pag-ibig ay walang hadlang
At lilipad ang saranggola sa ulan

At kung ang pagsinta ay 'di man nagtagal
Ang mas mahalaga natutong magmahal
Umibig nang walang panghihinayang
Kahit malamang na masaktan
Kanina lang sa aking tabi may aleng lumiko
At sa pagmamadali nasagi ang aking puso

Eto na naman
Ako sa aking kabaliwan
Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian
Ng tulad kong natuto nang
Magpalipad ng saranggola sa ulan

Gaya ng lagi't laging sinasabi ko
O siya nawa ay siya na nga ang totoo

Eto na naman
Ako sa aking kabaliwan
Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
Ngunit hindi hihindian
Ng tulad kong natuto nang
Magpalipad ng saranggola sa ulan

Eto ako, tumatandang
Nakahandang panindigang
Ang bato sa tubig ay lulutang
At lilipad ang saranggola sa ulan
Comments
blog comments powered by Disqus