Home
“Asin” by Gary Granada
Album Saranggola sa Ulan [2002] / The Essential Gary Granada Collection [2011]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Kulang ang aking araw
Kulang kung walang ikaw
Parang may puwang sa aking puso

Kulang ang aking gabi
Kung wala ka sa tabi
O munting asin ng buhay ko

Ang almusal ko ay bitin
Kung walang konting asin
Parang kumakain ng puro kanin

Ang tanghalia'y malabnaw
Nakakapaso ang sabaw
At ang ulam ay parang walang dating

Kulang ang aking araw
Kulang kung walang ikaw
Parang may puwang sa aking puso

Kulang ang aking gabi
Kung wala ka sa tabi
O munting asin ng buhay ko

Kapag ika'y nawawala
Hapunan ay walang sigla
Ikaw ang lagi kong hinahanap-hanap

Kahit ang buhay ay payak
Ang simple ay sumasarap
Dahil sa kapirasong pampaalat

Ang almusal ko ay bitin
Kung walang konting asin
Parang kumakain ng puro kanin

Ang tanghalia'y malabnaw
Nakakapaso ang sabaw
At ang ulam ay parang walang dating

Kurang ti maysa nga aldaw
Kurang no sika ket pumanaw
Awan ti ragragsak daytoy pusok

Kurang iti rabii
Kurang no awan ka Violy
'Sangnga basit nga asin ti biag ko

Kapag ika'y nawawala
Hapunan ay walang sigla
Ikaw ang lagi kong hinahanap-hanap

Kahit ang buhay ay payak
Ang simple ay sumasarap
Dahil sa kapirasong pampaalat

Kulang ang aking araw
Kulang kung walang ikaw
Parang may puwang sa aking puso

Kulang ang aking gabi
Kung wala ka sa tabi
O munting asin ng buhay
O munting asin ng buhay
O munting asin ng buhay ko
Comments
blog comments powered by Disqus