Home
“Basurero ng Luneta” by Gary Granada
Album Basurero ng Luneta [2009] / The Essential Gary Granada Collection [2011]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Minsan maaabutan n'yo
bandang alas-syete, alas-otso,
dumadami do'n ang mga anino.
Ganyan daw talaga 'pag nagtitipid,
nagde-date sa mga gilid-gilid.
At sa dami-dami ng mga lovers,
ang dami rin ng mga basurang leftovers.
Kasama na roon ang mga pa-cute
na mga pangakong langit-langit ang abot
na doon na rin nilimot at nilumot.
Saan 'ka nyo?

Sa'n pa kun'di kung nasa'n ang madla
Basura ay 'di nawawala
Hagis lang nang hagis
Liwasa'y dumudungis
Sino'ng maglilinis kaya

Pag-ibig di'y mayro'ng akmang pook
'Di ba't sa 'di nabubulok
Tapon lang nang tapon
Ng mga naipon
Na mga kahapon, ika nga

Ang akin lang ay kuro-kuro
Pa'no naman ang hardinero
At katuwang na kaminero ng bangketa
Sa dami ng taong bolero
Ay malamang ang hirap siguro
Ng buhay ng isang basurero ng Luneta

'Di na naawa ang mga tao
Kinakawawa ang basurero
'Di na naawa ang mga tao
Kinakawawa ang basurero

Ang pagliyag may lalagyang laan
Nilalaglag kung saan-saan
Kalat lang nang kalat ng mga sinulat
Lihim, alaala't sumpa

Ang akin lang ay kuro-kuro
Pa'no naman ang hardinero
At katuwang na kaminero ng bangketa
Sa dami ng taong bolero
Ay malamang ang hirap siguro
Ng buhay ng isang basurero ng Luneta

'Di na naawa ang mga tao
Kinakawawa ang basurero
'Di na naawa ang mga tao
Kinakawawa ang basurero

Sa dami ng mga usisero
At sanlaksang balitang kutsero
Kanya-kanyang kuwentong barbero na maleta
Sa naglipanang mga intrigero
Ay malamang ang hirap siguro
Ng buhay ng isang basurero ng Luneta
Comments
blog comments powered by Disqus