Home
“Saan Ka Man Naroroon” by Gary Granada with Belle Puruganan-Villanueva
Album Saranggola sa Ulan [2002] / Gary Granada Lovesongs Compilation [2010] / The Essential Gary Granada Collection [2011]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

'Di ba't kailan lang kay dalas n'yong magkasama
Araw-gabi lagi't laging magkasabay
Paano'ng nangyari't siya ngayo'y nag-iisa na
At ang isipa'y naglalakbay

Saan ka man naroroon, sinta
Pag-ibig kong wagas ang iyong madarama
Kailan pa man sa iyo'y 'di lilimot
Pusong uhaw sa iyong pag-irog

Saan ka man naroroon, sinta
Pangarap ko'y ikaw pagka't mahal kita
Asahan mong sa habangpanahon
Alaala kita saan ka man naroroon

Saan ka man naroroon, sinta
Pangarap ko'y ikaw pagka't mahal kita
Asahan mong sa habangpanahon
Alaala kita saan ka man naroroon

Asahan mong sa habangpanahon
Alaala kita (alaala kita) saan ka man naroroon
Comments
blog comments powered by Disqus