Home
“Isang Araw” by Gary Granada
Album Basurero ng Luneta [2009] / The Essential Gary Granada Collection [2011]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Ang init humupa
Ang prinsipe ay ngumiti
Bumaba sa lupa
Ang prinsesang butiki

Ang buwan ay dumungaw
At tumiklop ang bulaklak
Sumindi ang ilaw
Na aandap-andap

Lumipas na naman
Isang munting araw
Sulit na sulit na'ng
Minsan kang matanaw

Lumipas na naman (la-la-la...)
Isang munting araw (la-la-la...)
Sulit na sulit na'ng (la-la-la...)
Minsan kang matanaw (la-la-la...)

Pinulot ng bata
Ang laruang sira-sira
Sinimot ng pusa
Ang pagkaing natira

At sa may kanto
Ay buhat-buhat ang anghel
Ng mga deboto
Ni Senyor San Miguel

Lumipas na naman (la-la-la...)
Isang munting araw (la-la-la...)
Sulit na sulit na'ng (la-la-la...)
Minsan kang matanaw (la-la-la...)

Sa karampot na pera
'Di mo akalaing
Ang nasambot na grasya
Napagkasya rin

Kumukutitap
Ang eroplanong panggabi
Do'n sa alapaap
Tayo'y magkatabi

Napanis ang laway
Ng mga taong tahimik
At ang maiingay
Nagsisipaghilik

Lumipas na naman (la-la-la...)
Isang munting araw (la-la-la...)
Sulit na sulit na'ng (la-la-la...)
Minsan kang matanaw (la-la-la...)

Lumipas na naman (la-la-la...)
Isang munting araw (la-la-la...)
Sulit na sulit na'ng (la-la-la...)
Minsan kang matanaw (la-la-la...)
Comments
blog comments powered by Disqus