Home
“GO-NGO (Once Upon a Tune)” by Gary Granada
Album The Best of Gary Granada
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Dahil gobyerno ang nagpasimula
Imbes mapabuti lalong lumala
Minsa'y iniisip ko, ano kaya
Mas mabuting may gobyerno o wala

Halalan ay kay mahal
Kung nais mong mahalal
Isama sa application
Alyas Vilma, Nora at Sharon

Bahay-kubo nang tumakbo
Ay naging palasyo nang nakaupo
Inom at sugal, sigarilyo't babae
Libreng personal na grocery

Bahay-tubo, Malakanyang
Ang negosyo roon ay sari-sari
Experts, consultants, advisers at media
Sa palibot-libot ay maraming tanga

Sampung mga daliri, panay malilikot
Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot
Madudungis na ngipin ng pulitiko
Luho, bisyo, pati tinga, pera ng publiko

Kandidatong bobo, lumipad sa langit
'Di ko na nakita buhat nang ma-elect
Sayang ang boto kong mura lang ang benta
Nag-enjoy pa sana doon sa artista

My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
Are all political appointees

Doon po sa amin, libreng pagamutan
Alay ni Congressman sa may kapansanan
Nabingi ang bulag, nabulag ang pipi
Napipi ang pilay, napilay ang bingi

Waldas na hands, gastos left and right
Public servant na very bright
Cheat them softly, one, two, three
Na-wantutri ang botante

Dollar, dollar, how I squander
From one country to another
Travel here, travel there
With my relatives and my dear

Kapag ang taongbayan ay may problema
Dalawang tenga, dalawang mata, laging nakasara
Walang kahiraphirap, kamay at paa
Dilang maliit nagsasabing ganda ng rekord niya

Dahil NGO ang nagpasimula
Ang mga reports nagkawalawala
Pagkatapos ng isang buong taon
Paplanuhin ang naplano na noon

Magmiting ay 'di biro
Maghapong nakaupo
Pupusta 'ko ng sampu
Mas marami ang bangko

Kung kailan nagmimiting
Ay saka kumakain
Kung kailan kumakain
Ay saka nagmimiting

Napadpad kung saan
'Di dapat pag-usapan
Napagkasunduan
Na magmiting na naman

One hour, two hours nang nang-iindyan
Four hours, five hours nang nang-iindyan
Seven hours, eight hours nang nang-iindyan
Natrapik na naman (kasi may rally, pare)

Nag-rally sa Mendiola
Sanlibo ang magpunta
Nang magtalumpati na
Sasampu ang natira

Nag-rally, nag-rally
Ang iba't ibang bloke
Ang isyu ng rally
Sino ang mas marami

Paano linawin, paano susuriin
Paano lagumin, paano susulatin
Hirap himayin, kayhirap tumbukin
Pero magaling gumawa ng acronym

Gawa nang gawa ng proposal
Sanay na sanay sa refusal
Dami-daming gusto, dami-daming konsepto
'Di pa nabuo ay mayro'n nang bago

There was a farmers' joint program
Apir ang dalawang grupo
G-O-N-G-O, G-O-N-G-O, G-O-N-G-O
Nag-disappear ang pondo
Comments
blog comments powered by Disqus