Home
“Kanluran” by Gary Granada
Album Pagsamba at Pakikibaka [1989] / The Essential Gary Granada Collection [2011] / MAPA 2: Mga Awit na Magagamit sa Panlipunang Aralin, Vol. 2 [2014]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Nag-aawitan ang mga magsasaka
Nagsasalitan ng tula at kanta
Naghihiyawan ang taga-dalampasigan
Nagsasayawan ang mga mangingisda
Ang namamasukan sa mga pagawaan
Naglalabasan at sila'y tuwang-tuwa

Palubog na, palubog na'ng haring araw sa kanluran
Pauwi na, pauwi na'ng haring lawin sa kanluran

Nagsasayahan ang mga may kapansanan
Kababaihan at mga mag-aaral
Ang mga kawal at alagad ng sambahan
Ang makasining at mga makaagham
Ang mangangalakal, guro at lingkod ng bayan
Nagkakaisa sa iisang inaasam

Palubog na, palubog na'ng haring araw sa kanluran
Pauwi na, pauwi na'ng haring lawin sa kanluran

Pauwi na sa kanila
Ang haring agila
Ang ibong mandirigma
Sa kanluran
Comments
blog comments powered by Disqus