Home
“Magasin” by Eraserheads
Album Circus [1994] / The Singles [2001] / Anthology [2004]
Words By Ely Buendia
Music By Ely Buendia
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Hoo hoo hoo hoo

Nakita kita sa isang magasin
Dilaw ang 'yong suot at buhok mo'y green
Isang tindahan sa may Baclaran
Napatingin, natulala sa 'yong kagandahan

Naaalala mo pa ba no'ng tayo pang dal'wa
'Di ko inakalang sisikat ka
Tinawanan pa kita, tinawag mo kong walanghiya
Medyo pangit ka pa noon, ngunit ngayon, hey

Iba na ang 'yong ngiti
Iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa 'yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong pera
Na pambili, ooh
Pambili sa mukha mong maganda

Siguro ay may kotse ka nga ngayon
Rumarampa sa entablado, damit na gawa ni Sotto
Siguro'y malapit ka na ring sumali
Sa supermodel of the whole wide universe kasi...

Iba na ang 'yong ngiti
Iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa 'yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong pera

Nakita kita sa isang magasin
At sa sobrang gulat, 'di ko napansin
Bastos pala ang pamagat, dali-dali niyang bunuklat
At ako'y namulat sa hubad na katotohanan, hey

Iba na ang 'yong ngiti
Iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa 'yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong pera, yeah

Iba na ang 'yong ngiti
Iba na ang 'yong tingin
Nagbago na'ng lahat sa 'yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
'Pagkat kulang ang dala kong pera
Na pambili, ooh
Pambili sa mukha mong maganda

Nasa'n ka na kaya
Sana ay masaya
Sana sa susunod na issue ay centerfold ka na
Ha ha haa
Ooh hooh hooh hooh ooh ooh ooh
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Eraserheads:
Page Views: 498