Home
“Spoliarium” by Eraserheads
Album Sticker Happy [1997] / Anthology Two [2006]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Dumilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko
Labing-isang palapag
Tinanong kung okey lang ako

Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba 'pag nagsawa na ako
Biglang ayoko na

At ngayon, 'di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo

Lumiwanag ang buwan, San Juan
'Di ko na nasasakyan
Ang lahat ng bagay ay
Gumuguhit na lang sa 'king lalamunan

Ewan mo at ewan natin
Sinong may pakana
At bakit ba tumilapon ang
Gintong alak diyan sa paligid mo

At ngayon, 'di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo, hoh

Umiyak ang umaga, mm
Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan
Sa pintong salamin
'Di ko na mabasa 'pagkat merong nagbura, ahh-hah

Ewan mo at ewan natin
Sinong nagpakana
At bakit ba tumilapon ang
Spoliarium diyan sa paligid mo, hoh-hoh

At ngayon, 'di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo

Pwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo
Pwede bang itigil muna

Ang pag-ikot ng mundo [16x till fade]
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Eraserheads:
Page Views: 493