Home
“Maling Akala” by Eraserheads
Album Ultraelectromagneticpop! [1993]
Words By Ely Buendia / Raymund Marasigan
Music By Ely Buendia / Raymund Marasigan
Ave. Rating: 0 (0 votes)

May mga kumakalat na balita
Na ang misis ni kuwan ay madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala

No'ng ako'y musmos pa lamang ay takot sa multo
No'ng ako'y naging binata, sa erpat ng syota ko
Ngayon ay may asawa at meron nang pamilya
Wala namang multo ngunit takot sa asawa ko

'Di mo na kailangang mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung 'di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo

Maliit na butas lumalaki
Konting gusot dumadami
'Di mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka ng maling akala

Nasa'n na ba ako, kaninong kama 'to
Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kwarto
Naglayas sa bahay, akala madali ang buhay
Ngayon ay nagsisisi dahil 'di nakapagtapos

'Di mo na kailangang mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung 'di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo

Maliit na butas lumalaki
Konting gusot dumadami
'Di mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka ng maling akala

May mga kumakalat na balita
Na ang kaligtasa'y madaling makuha
Bago maniwala mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala

(Maliit na butas lumalaki) Sa maling akala, yeah
(Konting gusot dumadami) Sa maling akala, oh
(Maliit na butas lumalaki) Sa maling akala
(Konting gusot dumadami) Sa maling akala, oh oh oh
(Maliit na butas lumalaki) Sa maling akala, oh yeah
(Konting gusot dumadami) Sa maling akala
(Maliit na butas lumalaki) Sa maling akala
(Konting gusot dumadami) Sa maling akala
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Eraserheads:
Page Views: 634