Home
“Sembreak” by Eraserheads
Album Circus [1994] / Anthology [2004]
Words By Raimund Marasigan
Music By Raimund Marasigan
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Dear Kim, kamusta'ng bakasyon mo
Ako, eto pa rin nababato
Bad trip talaga 'tong Meralco
Bakit brownout pa rin dito

Walang silbi sa bahay
Kundi bumabad sa telepono
O kaya'y kasama ang buong barkada
Nakatambay sa may kanto

Naaalala kita 'pag umuulan (sembreak)
Naaalala kita 'pag giniginaw (sembreak)
Naaalala kita 'pag kakain na (sembreak)
Naaalala kita, ilang bukas pa ba
Bago tayo ay magkita
Ako'y naiinip na (ahh)
Bawa't oras binibilang (ahh)
Sabik na masilayan ka

Sira pa rin ang bisikleta
May gas, wala namang kotse
Naghihintay ng ulan
Basketball sa banyo

Sana ay may pasok na
Para, at least, meron akong baon (oh woh)
Cutting classes, dating raket
Rock and roll buong taon

Naaalala kita 'pag umuulan (sembreak)
Naaalala kita 'pag giniginaw (sembreak)
Naaalala kita 'pag kakain na (sembreak)
Naaalala kita, ilang bukas pa ba
Bago tayo ay magkita
Ako'y naiinip na (ahh)
Bawa't oras binibilang (ahh)
Sabik na masilayan ka

Walang kayakap kundi gitara
Nangangati sa kaiisip sa 'yo
Hanggang sa mabutas 'tong maong ko
Tsaka bibili uli ng bago

Hanggang dito na lang ang liham ko
Salamat sa atensyon mo
Tsaka na lang pala 'yung utang ko
'Pag nakagkita na lang uli tayo

Naaalala kita 'pag umuulan (sembreak)
Naaalala kita 'pag giniginaw (sembreak)
Naaalala kita 'pag kakain na (sembreak)
Naaalala kita, ilang bukas pa ba
Bago tayo ay magkita
Ako'y naiinip na (ahh)
Bawa't oras binibilang (ahh)
Sabik na masilayan ka

Naaalala kita (sembreak)
Naaalala kita (sembreak)
Naaalala kita (sembreak)
Naaalala kita (sembreak)

Naaalala kita (sembreak)
Naaalala kita (sembreak)
Naaalala kita (sembreak)
Naaalala kita (sembreak)
[Fading]
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Eraserheads:
Page Views: 532