Home
“Tindahan ni Aling Nena” by Eraserheads
Album Ultraelectromagneticpop! [1993] / Anthology Two [2006]
Words By Ely Buendia
Music By Ely Buendia
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Isang araw

Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena para bumili ng suka
Pagbayad ko, aking nakita isang dalagang nakadungaw sa bintana
Natulala ako, laglag ang puso ko
Nalaglag din ang sukang hawak ko

Napasigaw si Aling Nena, ako naman ay parang nakuryenteng pusa
Ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko na nakatawa ang dalaga
Panay ang sorry ko; sa pagmamadali, nakalimutan pa ang sukli ko
Pagdating sa bahay, nagalit si nanay pero oks lang ako ay inlababo nang tunay

Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera

Pumunta ako sa tindahan kinabukasan para makipagkilala
Ngunit sabi ni Aling Nena, habang maaga'y huwag na raw akong umasa
Anak niya'y aalis na papuntang Canada
Tatlong araw na lang ay babay na

Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera

Hindi mapigil ang damdamin, ako'y nagmakaawang ipakilala
Payag daw siya kung araw-araw ay meron akong binibili sa tinda niya
Ako'y pumayag at pinakilala niya sa kanyang kaisa-isang dalaga
Ngunit nang makilala siya'y tumalikod na at iniwan akong nakatanga

Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera

Tindahan ni Aling Nena
Dito nauubos ang aking pera
Araw-araw ay naghihintay
O Aling Nena, please naman maawa ka

Alam n'yo'ng nangyari
Wala, wala, ahh ahh
Oh, Diyos ko
Wala, ahh ahh
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Eraserheads:
Page Views: 405