Home
“Alkohol” by Eraserheads
Album Circus [1994] / Anthology Two [2006]
Words By Raimund Marasigan
Music By Raimund Marasigan
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Do-do...

'Di mapigil paggalaw
Nagwawala, nagdadabog
Oy, pare, dahan-dahan lang
Muntik ka nang mahulog

May taong bumubulong
Meron ding sumisigaw
Meron pang nag-i-Ingles
Na parang Kanong hilaw

Bigla na lang natutulala
Umiiyak, tumatawa
Meron ding nagnanakaw
At nawawalan ng pera

Sumusuray, 'pag lumakad
Nadadapa, nauuntog
'Pag dalawin ng antok
Kahit saan natutulog

May taong naggagalas
Parang lukuluko
Kung saan ka man abutin
CR mo buong mundo

Alkohol, alkohol
Utak mo'y buhul-buhol
Alkohol, alkohol
Utak mo'y buhul-buhol
Alkohol, alkohol, alkohol

Ugh, yeah

'Di mapigil ang bibig
Pati sikreto nasasabi
Nasusuka, kumakanta
Napa-praning sa isang tabi

"Kaya ko pa, kaya pa"
'Yan ang laging sagot niya
Nananaginip nang gising
Pumupungay ang mata

Konting alak, nalulunod
Lumalakas ang loob
Ume-ekis, gumagapang
Natitisod, sumusubsob

Labu-labo, sari-sari
May naghahanap ng away
Binabangungot nang gising
Meron ding namamatay

Lumiliwanag, dumidilim
Bumabait, tumatapang
Umiikot ang tingin
Utak mo'y kinakalawang

Alkohol, alkohol
Utak mo'y buhul-buhol
Alkohol, alkohol
Utak mo'y buhul-buhol
Alkohol, alkohol, alkohol

Ugh
Ugh
Ugh
Ugh

Lumiliwanag, dumidilim
Nadadapa, nauuntog
'Pag dalawin ng antok
Kahit saan natutulog

Bukas may hangover ka
Paggising masakit ang ulo
Paano ba 'ko nakauwi
Shet, kailangan ko ng yelo

Alkohol, alkohol
Utak mo'y buhul-buhol
Alkohol, alkohol
Utak mo'y buhul-buhol

Alkohol, alkohol
Utak mo'y buhul-buhol
Alkohol, alkohol
Utak mo'y buhul-buhol
Alkohol, alkohol, alkohol, alkohol, alkohol
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Eraserheads:
Page Views: 498