Home
“Tuwing Umuulan at Kapiling Ka” by Eraserheads
Album Ryan Cayabyab: The Silver Album [1997] / Anthology [2004]
Words By Ryan Cayabyab
Music By Ryan Cayabyab
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak
Sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot
Sa buong paligid tuwing umuulan

Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka na sa piling ko'y lumisan pa
Hanggang ang hangi't ula'y tumila na

Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na
Maari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan bumuhos ka, huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Ha-ha-haa-haa-haa
Ohh-ohh-ohh-ohh
(La-la-la...)

Maari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi

Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan bumuhos ka, huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Eraserheads:
Page Views: 435