Home
“Panimula/Ikaw” by AfterImage feat. Joey Ayala
Album Bagong Araw [1996]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Himig ng araw
Alay sa 'yo
Habi ng buhay
Ay tangan-tangan mo
Mmm
Mmm
Mmm
Mmm



AD LIB


Kung kinakailangan ng buhay ay unti-unti mong baguhin
Ba't 'di mo simulan habang ikaw ay may oras pa
Upang kumilos, kumilos


REFRAIN 1
Walang inaasahan kundi ikaw, ikaw lamang


CHORUS
Ikaw ang huhubog sa hiwaga ng buhay mo
Ang magsisikap para paikutin ang iyong mundo
Ang kukulay sa puti't itim ng 'yong puso


AD LIB


Kung hinahawakan mo ang pagsibol ng iyong tadhana, mabuti
Makakasiguro kang ang biyaya ay iyong makakamtan
Sa pagsisikap ay may sikat


RFERAIN 2
Walang magsisimula kundi ikaw, ikaw lamang


CHORUS
Ikaw ang huhubog sa hiwaga ng buhay mo
Ang magsisikap para paikutin ang iyong mundo
Ang kukulay sa puti't itim ng puso mo


Ikaw [repeat several times]


BRIDGE
Darating din ang araw na ang bawat ngiti, makakamtan mo
Simulan sa iyong buhay nang ang lahat ng kulay ay magliwanag sa iyo


AD LIB


CHORUS
Ikaw... ang huhubog sa hiwaga ng buhay mo
Ang magsisikap para paikutin ang iyong mundo
Ang kukulay sa puti't itim ng 'yong puso
Legend
     Male          Female          Duet          Main Artist          Background Voice
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 1,381