Home
“Tag-araw” by AfterImage
Album Tag-ulan, Tag-araw [1994] / Greatest Hits [1996]
Words By Wency T. Cornejo III
Music By Wency T. Cornejo III
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Ikot ng mundo, tila ay bumabagal
Ngunit alam kong 'di na rin magtatagal
Ang aking hinihintay ay makakamit
'Pagkat bughaw na ang kulay ng ating langit

Pilitin man ay 'di mo na mapipigil
Ang kanyang pag-ahon, ang kanyang paggising

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw

Sana ang init mo'y aking maramdaman
Araw na nagdaan ay 'di ko na mabilang
Sa 'king paghihintay, ako'y nasasabik
Pinapanalangin na ang 'yong pagbabalik

Huwag mo na sana sa aki'y ipagkait
Ang tanging hangarin na ika'y makapiling

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw

Hanggang kailan kaya ako maghihintay
Upang ang tag-araw sa akin ay kusa nang ibigay

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw
Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw

(Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw
Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw)
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 1,051