Home
“Tag-ulan” by AfterImage
Album Tag-ulan, Tag-araw [1994] / Lites [1995] / Greatest Hits [1996] / Next in Line [2010]
Words By Wency T. Cornejo III
Music By Wency T. Cornejo III
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Minsan ika'y nag-iisa, walang makasama
'Di malaman sa'n tutungo
Naghahanap, nag-iisip kung saan babaling
Dito sa mundong mapaglaro

At tuwing ika'y nalulumbay, 'di makakita
Nais mo ay may makasama
Sa 'yong lungkot, akala mo ika'y nag-iisa
Narito ako't kapiling ka

Kung nais mo, ika'y lumuha
Ako'y makikinig sa bawat salita

Kapag umuulan, bumubuhos ang langit sa 'yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha ngunit 'di ka mag-iisa, kaibigan
Mmm

Kay rami ng mga tanong sa 'yong isipan
Nais mo lamang ay malaman
Bakit nagkagano'n ang nangyari sa 'yong buhay
Tanong mo man sa 'ki'y 'di ko alam

Handa akong maging tanggulan
Sa tuwing sasapit sa 'yo ang tag-ulan, oh

Kapag umuulan, bumubuhos ang langit sa 'yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha ngunit 'di ka mag-iisa

Ako'y naririto, naghihintay lamang sa 'yo
Tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo, kaibigan
Kaibigan
Kaibigan

Kapag umuulan, bumubuhos ang langit sa 'yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha ngunit 'di ka mag-iisa, kaibigan
Kaibigan
Kaibigan
Kaibigan
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 674