Home
“Tag-araw [Unplugged]” by AfterImage
Album Lites [1995] / Greatest Hits [1996]
Words By Wency Cornejo
Music By Wency Cornejo
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO
Tag-araw na


Ikot ng mundo, tila ay bumabagal
Ngunit alam kong 'di na rin magtatagal
Ang aking hinihintay ay makakamit
'Pagkat bughaw na ang kulay ng ating langit


REFRAIN 1
Pilitin man ay 'di mo na mapipigil
Ang kanyang pag-ahon, ang kanyang paggising


CHORUS
Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng alin? ...ng tag-araw, woh


Sana ang init mo'y aking maramdaman
Araw na nagdaan ay 'di ko na mabilang
Sa 'king paghihintay, ako'y nasasabik
Pinapanalangin na ang 'yong pagbabalik


REFRAIN 2
Huwag mo na sana sa aki'y ipagkait
Ang tanging hangarin na ika'y makapiling


CHORUS
Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw


BRIDGE
Hanggang kailan kaya ako maghihintay
Upang ang tag-araw sa akin ay kusa nang ibigay


Okey!


AD LIB


O, tulungan n'yo naman ako


[Repeat CHORUS twice]
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 481