Home
“Bagong Araw” by AfterImage
Album Bagong Araw [1996]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Mula no'ng simula
Iyong hinabol ang tala
Sa talas man ng paningin
Ito ay kusang nawala


Hinanap nang husto
Handang ikutin ang mundo
Tinahak ang bawat daan
Handang ibuhos ang dugo


REFRAIN 1
Pagod na nga't may sugat ang 'yong puso
Ngunit patuloy pa rin itong pag-ikot ng mundo


CHORUS
Oh, sa bawat oras na gumagalaw
Oh, malayo na ang 'yong matatanaw
Oh, sa 'yong mga tungkod ay bumitaw
At umakap sa liwanag nitong bagong araw


Bakas sa 'yong mukha
Ang mga guhit ng luha
Inukit na ng panahon
Nadarama hanggang ngayon


Tanging sa iyo
Nakasalalay nang husto
Ang bukas mong dumarating
Sadyang hindi mahihinto


REFRAIN 2
Tapos na ang dilim ng 'yong kahapon
Buksan mo lang ang isip mo sa buhay mo ngayon


[Repeat CHORUS]


BRIDGE
Sundan mo lang ang puso mo
Kung sa'n ka man dalhin, hanapin mo ang totoo
Ang langit mo'y naghihintay sa 'yo


[Repeat CHORUS]


(Oh, sa bawat oras na gumagalaw) Nitong bagong araw
(Oh, malayo na ang 'yong matatanaw) Nitong bagong araw
(Oh, sa 'yong mga tungkod ay bumitaw) Sa 'yong bagong araw
(Oh, sa bawat oras na gumagalaw)
(Oh, malayo na ang 'yong matatanaw)
(Oh, sa 'yong mga tungkod ay bumitaw)
(Oh, sa bawat oras na gumagalaw)
(Oh, malayo na ang 'yong matatanaw)
(Oh, sa 'yong mga tungkod ay bumitaw)
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 282