Home
“Mangarap Ka” by AfterImage
Album Tag-ulan, Tag-araw [1994] / Greatest Hits [1996]
Words By Wency T. Cornejo III
Music By Wency T. Cornejo III
Ave. Rating: 0 (0 votes)

(Mangarap ka)

Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi
At ito'y iyong dalhin

Itanim mo sa puso mo, ito ay lalaki
Ikaw rin ang aani

Hayaan mong lumipad ang isip sa lawak ng langit
Bitui'y umaawit at ito'y nagsasabing

Mangarap ka
Mangarap ka
Dinggin ang tawag ng iyong dugo
Umahon ka
Umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo

Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi
At ito'y iyong dalhin

Hayaan mong lumipad ang isip sa lawak ng langit
Bitui'y umaawit at ito'y nagsasabing

Mangarap ka
Mangarap ka
Dinggin ang tawag ng iyong dugo
Umahon ka
Umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo

Bawat panaginip na taglay ng 'yong isip
Palayain mo at ilipad 'tungong langit
Ang iyong tinig ay aawit

Hayaan mong lumipad ang isip sa lawak ng langit
Bitui'y umaawit at ito'y nagsasabing

Mangarap ka
Mangarap ka
Dinggin ang tawag ng iyong dugo
Umahon ka
Umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo

(Ohh
Oh-oh-ohh
Oh-oh-ohh
Oh-oh-ohh)

Manalig ka (manalig ka)
Manalig ka (manalig ka)
Ang langit ay naghihintay sa 'yo
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 1,013