Home
“Pagtawid” by AfterImage
Album Touch the Sun [1992] / Greatest Hits [1996]
Words By A. Cabalza
Music By A. Cabalza
Ave. Rating: 3 (1 votes)

May isang araw na bago tayo pumanaw
Lahat ng ating pinangarap, atin nang matatanaw
Hintay-hintayin, ito'y maaabot na rin
Sa pagbubuhos ng lakas at paggugugol ng galing

Isulong ang mga likha
Ipunin ang mga salita
Sa pagsasakop ng dilim
Ito'y maririnig pa rin

Isang araw, isang kulay
Isang hangarin na tunay
Ipagbigkis mga kamay
Sa pagtawid nitong tulay

'Di magtatagal at mumutawi ring lahat
Sa mga labi ang likas at katutubong salita
Tuunan ng pansin at liliwanag ang paningin
Sa mga kulay na ngayon ay bumabalot sa atin

Ibaling ang mga mata
Sa ulap at mga tala
Sa pagsasabog ng ningning
Ito'y maaabot na rin

Isang araw, isang kulay
Isang hangarin na tunay
Ipagbigkis mga kamay
Sa pagtawid nitong tulay

Isang araw, isang kulay
Isang hangarin na tunay
Ipagbigkis mga kamay
Sa pagtawid nitong tulay

Ohh-oh-hoh
Ohh-oh-hoh

Isang araw, isang kulay
Isang hangarin na tunay
Ipagbigkis mga kamay
Sa pagtawid nitong tulay
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 759