Home
“Bagsakan” by Parokya ni Edgar feat. Francis Magalona & Gloc-9
Album Halina sa Parokya [2005]
Words By Gloc-9 / Francis Magalona / Chito Miranda / Parokya ni Edgar
Music By Gloc-9 / Francis Magalona / Chito Miranda / Parokya ni Edgar
Ave. Rating: 2 (1 votes)

[Kid]
Nandito na si Chito, si Chito Miranda
Nandito na si Kiko, si Francis Magalona
Nandito na si Gloc-9, wala siyang apelido
Magbabagsakan dito in 5, 4, 3, 2


INTRO


Nandito na si Chito, si Chito Miranda
Nandito rin si Kiko, si Francis Magalona
Nandito rin si Gloc-9, wala siyang apelido
Magbabagsakan dito, mauuna si Chito


[Chito]
'Di ko alam kung ba't ako kasama dito
Sama-sama sa mga pasabog nila Kiko at ni Gloc
Astig, patinikan ng bibig
Teka muna, teka lang, painom muna ng tubig

Shift sa segunda bago mapatumba
Dapat may maisip ka na rhyme na maganda
At madulas ang pagbigkas
At astig baka sakaling marinig

Ng libu-libo na Pilipinong
Nakikinig sa mga pa-bibo ko
'Di ka ba nagugulat sa mga naganap
'Di ko din alam kung ba't ako sikat

Para bang panaginip na pinilit makamit
Talagang sinusulit ang pagiging makulit
Kailangan galingan, 'di na kayang tapatan
Ang tugtugan ng Parokya at aming samahan

Shit, pa'no 'to, wala na 'kong masabi
Ngunit kailangan gumalaw ng mga labi kong ito
Kunyari nagbabakasakali
Na magaling din ako kaya nasali


Natapos na si Chito, si Chito Miranda
Nandito na si Kiko, si Francis Magalona
Nandito rin si Gloc-9, wala siyang apelido
Magbabagsakan dito, babanat na si Kiko


[Francis Magalona]
And then the uzi yo ingram, jigsaw on the maximum
Not a .45 but .44 magnum
And it ain't even a .357
Nor a 12 gauge but the mouth so listen

Nandito na si Kiko at kasama ko si Chito at si Gloc-9
And it's time to rock rhyme
'Di ko mapigilan lumabas ang mga salita
Sa aking bibig na 'di padadaig

Ang bunganga, hala tumunganga
Lahat napapahanga sa talento, ako'y taga-Kalentong
Batang Mandaluyong na ngayon nakatira sa Antiplo
Sumasaklolo sa mga hip-hop

Pwedeng karerin o pwede rin trip lang
Si Gloc kasama ng Parokya
Parang Bulagaan na kailangan 'di mabokya
'Di mo na kailangan pang malaman kung bakit pa

Kaming lahat ay nagsama-sama
Mic check, heto na, nagsanib na ang pwersa
Francis Magalona, Gloc-9 at ang Parokya
1, 2, 3, 4, let's volt-in


Natapos na si Chito, si Chito Miranda
Tapos na rin si Kiko, si Francis Magalona
Nandito na si Gloc-9 (Gloc-9: ah, mic check, mic check)
Wala s'yang apelido (Gloc-9: naka-on na ba ung mic?)
Magbabagsakan dito, kailangan nang mag-ingat
At ang huling bagsakan, si Gloc-9 ang babanat


[Gloc-9]
Bato-bato sa langit, ang tamaa'y 'wag magalit
Bawal ang nakasimangot baka lalo kang pumangit
Pero okay lang, 'di naman kami mga suplado
Sumabay ka sa 'min na parang naka-eroplano

Sa tunog ng gitara
Kasama ng pinakamalupit na banda
Pati si Kiko, magaling, 'di pa rin kayang tapatan
Parang awit na lagi mong binabalik-balikan

Stop, rewind and play mo
Napakasaya na para bang birthday ko
Alam mo na siguro'ng ibig kong sabihin, 'di na kailangan pang
Paikut-ikutin baka lalong matagalan lang

Lumapit at makinig para 'yong maintindihan
Mga salitang sinulat na hindi ko pabula
Pero pwedeng ilatag na parang banig na higaan
'Pag hinawakan ang mikropono, parang nabubuwang

Teka, 'di naman siguro
Ganyan lang 'pag gumagawa kami ng bago
Medyo nabibilisan, 'di mo naisip na pwedeng mangyari
Magkasama-sama lahat ay kasali, 'ge


[Chito]
Ngayon lang narinig, 'di na 'to madadaig
Nagsama-sama sa bagsakan at naging isang bibig
Mag-ingat-ingat ka nga at baka masindak
Sapagkat nandito na si Chito at si Kiko at si Gloc


I'm Pedro Basuraman
I live in the garbage can
I went to my auntie
And punit her panty
I'm Pedro Basuraman
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 1,378