Home
“One Hit Combo” by Parokya ni Edgar feat. Gloc-9
Album Middle-Aged Juvenile Novelty Pop Rockers [2010]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

[Sabihin mo kung game na, ah?
'Ge
One, two, three, four]

Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang merong katabing nagsasabing

'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na merong mangyayari

Oras na para gumawa ng panibagong
Orasyon na pwedeng kantahin ng mga gago
Tara samahan n'yo ko na muling maglibang
Para sa mga katulad mong nag-aalangan

Teka lang, 'di naman kailangan magmadali
Dapat lang siguro na 'wag kang magpapahuli
Sapagkat ang oras natin ay may katapusan
Kailangan mong gamitin sa makabuluhan, pasok

Teka muna, teka muna, teka muna, teka
Katatapos ko lang isulat ang mga letra
Hampasin ang tambol at kaskasin ang gitara
Kasama ko ulit pinakamalupit na banda

Pero ngayon ay babaguhin na'ng tema
Ito'y aawit na sasaludo sa mga nauna
Musikero, gitarero, tambulerong magaling
Kahit kanino itapat, sa'n bang labanan angat pa rin, chorus

Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati pagkatapos ng klase
Lagi kang merong katabing nagsasabing

'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na merong mangyayari

Nagsimula kami ng mga '93
Mga batang 'di mapigil sa pagpursigi
Mga batang 'di maawat ng mga hadlang
Sapagkat sila'y nakatingin sa pupuntahan

Namulat sa 'Heads at kay Sir Magalona
Alam ko sa loob ko na nagsisimula na
Sila ang nag-supply at naglagay ng gasolina
Si Kiko kay Gloc at ang E'heads sa Parokya

Ibang klase ang pinoy 'pag dumating na sa tugtugan
Nagyuyugyugan, siguradong hindi ka magtutulug-tulugan
'Pag narinig mo ang bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Kung ika'y sa'min sumasang-ayon ay pumalakpak

Nang malakas, itaas ang kamay, sumigaw
Para sa tatlong bituin at isang araw
Mga bata rin kami at katulad ng iba
Tagahanga rin kami ng mga kanta nila, ayos

Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati pagkatapos ng klase
Lagi kang merong katabing nagsasabing

'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na merong mangyayari

Ang gusto lamang naming sabihin
Parangap ay laging habulin
Kahit na kinakapos, ang hininga mo'y pigilin
Initin natin ang kalan para tubig kumulo

Kailangan timbain ang poso para balde mapuno
'Wag kang magpapabola sa iba, hindi 'to madali
Kung merong gusto, pare, 'wag kang magmadali
Tatama ka rin kahit medyo puro mali

Ipunin lahat ng piraso kahit na hati-hati
Kasi isa lang ang tatandaan
Walang nakaharang na 'di kayang lampasan
Para 'di ka mahuli kailangan mong paspasan

Lagi mo pataliminin, ikaskas sa hasaan
Ang kutsilyo, martilyo kailangan para palabugin lagi 'yang pako
Ikutin ang antenna kung TV ay malabo
Huwag kang matakot na tumaya ng pati pato

Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati pagkatapos ng klase
Lagi kang merong katabing nagsasabing

'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na merong mangyayari
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 793