Home
“Sorry Na” by Parokya ni Edgar
Album Edgar Edgar Musikahan [2002]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Sorry na kung nagalit ka
'Di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako, init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago, pangako sa iyo


Sorry na, nakikinig ka ba
Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto


CHORUS
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip, nauuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako, 'wag sanang magtampo
Sorry na


INTERLUDE


Sorry na, 'wag kang madadala
Alam kong medyo nahihirapan ka
Na ibigin ang isang katulad kong parang timang
Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan


Sorry na, saan ka pupunta
Please naman 'wag kang mawawala
Kapag ako ay iwan mo, mamamatay ako
'Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko


[Repeat CHORUS]


Sorry na


AD LIB


Mahal kita, sobrang mahal kita
Wala na 'kong pwedeng sabihin pang iba
Kundi sorry talaga, 'di ko sinasadya
Talagang sobrang mahal kita, 'wag kang mawawala
Sorry na
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 360