Home
“Pakiusap Lang (Lasingin N'yo Ako)” by Parokya ni Edgar
Album Middle-Aged Juvenile Novelty Pop Rockers [2010]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Sino pa bang hinihintay, ba't 'di pa tayo sumakay
Excited na 'kong umalis, sige na please, konting bilis
Saan ba tayo pupunta, kahit saan, bahala na
Wala 'kong baong extra trip, pwedeng side kick ta's motor trip
Biglaan, wala nang oras pa na pagtaluhan
Gusto ko na kasi siyang kalimutan
Kaya't pakibilisan


Saan man tayo magpunta, walang sablay, sobrang saya
Kahit sa'n tayo mapadpad basta may baon na lapad
'Pagkat kailangan ko na munang mag-relax ng lalamunan
Tapos magpakalunod sa alak ang pusong pagod
Biglaan, biglaan niya na lang akong iniwan
Gusto ko lamang siyang makalimutan
Kaya nagkayayaan


CHORUS
Tara na, samahan n'yo 'kong magsaya
Sige na, ayoko munang mag-isa
Sapagkat ngayon lang ako nasaktan nang ganito
Kaya pakiusap lang, lasingin n'yo ako


Tuluy-tuloy n'yo lang ang tagay, hanggang mawalan ng malay
Loko lang, syempre naman, maghahanap muna ng away
Loko lang, walang gano'n, gusto ko lamang mag-inuman
Okey lang na dahan-dahan, ang amats ay 'di kailangan
Na biglaan, relax lang tayo 'pag nag-iinuman
Gusto ko lamang siyang makalimutan
Kailangan lang maglibang


[Repeat CHORUS except last three words]
[Repeat CHORUS]



Kaya pakiusap lang, lasingin n'yo ako
Kaya pakiusap lang, lasingin n'yo ako
Ohh-woh-ho-ho-ho, hoh-hoh
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 429