Home
“Alumni Homecoming” by Parokya ni Edgar
Album Bigotilyo [2003]
Words By Chito Miranda
Ave. Rating: 5 (1 votes)

[Spoken]
Hi, this is Gilbert Magat on vocals
Charvis Manlabat, singer
Ric Mercaro, Jr. in guitars
Duke Mejares on bass
Ako si Tomtom Alarcon on drums
And I'm Tito Ralph
And we're Bigotilyo

Napatunganga no'ng bigla kitang nakita
Pagkalipas ng mahabang panahon
High school pa tayo no'ng una kang nakilala
At tandang-tanda ko pa, noon pa ma'y sobrang lupit mo na
Hindi ko lang alam kung pa'no
Basta biglang nagsama tayo
'Di nagtagal ay napa-ibig mo ako

Mula umaga hanggang uwian natin
Laging magkasama tayong dalawa
Parang kahapon lang, nangyari sa 'kin ang lahat
Tila isang dulang medyo romantiko ang banat
Ngunit no'ng napag-usapan
Bigla na lang nagkahiyaan
Mula noon hindi na tayo nagpansinan

At bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa

Panay ang plano ngunit panay ang urong
At inabot na ng dulo ng taon
Graduation natin no'ng biglang nag-absent partner ko
Tadhana nga naman, naging mag-partner tayo
Eksakto na ang timing
Planado na ang sasabihin
Ngunit hanggang huli, wala akong nasabi

At bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa

Napatunganga no'ng bigla kitang nakita
Pagkalipas ng mahabang panahon
Sobrang alam ko na ang aking sasabihin
At ako'y napailing sa ganda ng ngiti mo sa 'kin
At nang ikaw ay nilapitan
Bigla na lang napaligiran
Ng 'yong mga anak mula sa pangit mong asawa

At bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa

Bakit ko ba pinabayaan
Mawala nang hindi inaasahan
Parang nasayang lang
Nawala na, wala nang nagawa

Wala nang nagawa
Wala nang nagawa
Wala nang nagawa
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 3,615