Home
“Martilyo” by Gloc 9 feat. Letter Day Story
Album Matrikula [2009]
Ave. Rating: 5 (1 votes)

INTRO


REFRAIN
Dito sa amin kung sa'n nanggaling
Mga makatang ulam at kanin
Lamang ang bayad pero pumapayag
Upang masubukan at mapatunayan


CHORUS
Lagi mong tatandaan
Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo
Huwag mong palalampasin ang pagkakataon
Kailangang pukpukin ang pako para bumaon


Woh ohh
Woh hoh
Woh ohh ohh hoh


Narito na muli ang isang taong
'Di nag-atubili na aking mabago
'Yung pagtingin sa mga taong humahawak ng
Mikropono kahit maputik ay humahakbang

Lumalakas sa bawat pawis na pumapatak
Bawat tunog ng palakpak saki'y tumatatak
Pero 'di tumataas aking mga paa
Nakatutong sa lupa dahil alam ko na

Ako'y nasa pinas, may pila sa bigas
Ilan lang ang sikat na bulsa'y 'di butas
Para 'di mautas dapat ay matigas
Ang 'yong mukha kahit pano'y matikman ang katas

Ng ubas ang problema'y lutas
May maayos na tela, maong hindi kupas
Ang sabi mo sa 'kin ay hindi ko na makakaya pang habulin
Mga pangarap ay ipunin at pagkatapos ay higupin

Higupin nang higupin parang baso na may yelo
Iilang pa bang salita ang dapat kong banggitin na laging bumebwelo
Bueno, yaman din lamang na kayo'y narito na
Sige, pakinggan ang bagong nasulat kong kanta
Hoy!


[Repeat CHORUS]


BRIDGE
Hindi mo kayang pigilan
Hindi mo kayang galusan
Ang puso kong balot ng bakal
Na patuloy, patuloy sa pagtibok


Humihinga kahit amoy bulok
Walang tigil sa pagsubok
Kahit parang ga-buhok lang ang posibilidad
Mula sa murang edad
Sa pawis laging babad
Kumakayod sa syudad

Akinse o atrenta, kilo o delata
Kanin na mas mura pa ang CD na pirata
Ng bata na si Pollisco, si Gloc ba kamo, mismo
Bawat plema ng pangngutya ay tiniis ko

Listo pa rin kahit na inaantok
Baka may mapaginipan akong kanta na patok
Sa masa na para bang ito'y nagsisilbing panglunas
'Di maalis, parang sibuyas kahit na ika'y maghugas ng kamay

Gamit ang baretang sabon ni inay
Bawat salitang ginagamit ang isip mo'y tinatangay
Ng tula ko tandaan wala pang nagbabago
Kapag pinalo ng martilyo, lulubog ang pako (ang pako)


[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS]



Hoh woh
Woh ohh hoh
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 397