Home
“Tsinelas sa Putikan” by Gloc-9 feat. Marc Abaya
Album Biyahe ng Pangarap [2014]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

[Gloc-9]

Mga kaibigan, palakpakan natin si Mr. Marc Abaya.
Ang title po nito "Tsinelas sa Putikan."

[Marc]

Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa'y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpaagos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa'y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpaagos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

[Gloc-9]

Barong-barong (barong-barong), patong-patong (patong-patong)
Bulok na bahay (bulok na bahay), kalong-kalong
Ng lupang 'di sa amin ('di sa amin)
Sako-sakong dasal, huwag palayasin (huwag palayasin)

Halo-halong mga sana na nagkadikit-dikit
Parang kapit mo sa gamit na nagka-ilit-ilit (ilit-ilit)
Maniningil na pagkakulit-kulit
Sa kakarampot mong naipon na nagkapunit-punit

Lumang bente, singkwenta, maswerte kung isangdaan
Para kang binenta pagkatapos ay dinaganan
Ng kalang sinilaban, lutuang walang laman
Kaliwa o pakanan, alam mo pa ba ang daan

Tinatapakan (tinatapakan), pinupulaan
Sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang
Maraming nakaharang kahit magsabing "paraan"
Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan

[Marc]

Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa'y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpaagos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

[Gloc-9]

Sawang-sawa ka na ba
Gusto mo nang magmura
Sumigaw, umayaw
Bumitaw kung baga

Tila kumupas na'ng mga guhit-guhit
Sa mga palad ang hiling ay hindi madinig-dinig
Tuyo at lumalatay kapag hinablit ka ng silid
Walang maaaning bunga kahit dilig ka nang dilig

Kumandirit 'di dahil baka may magising, nakakahiya
Bagkus humalagpos ang poste ng bahay at gumiba
Kumayod na parang wala kang karapatang humiga
Kumurap kahit na ayaw mong kapalan ang mukha

Tinatapakan (tinatapakan), pinupulaan
Sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang
Maraming nakaharang kahit magsabing "paraan"
Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan

[Marc]

Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa'y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpaagos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

Ilakad ang tsinelas sa putikan
Humakbang kahit na mahirap
Iyong mga paa'y madudumihan
Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon
Lalaban at hindi ka na papayag
Magpaagos sa alon
Sabay nating itataas ang layag

[Gloc-9]

Ayos!
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 407