Home
“Walang Natira” by Gloc-9 feat. Sheng Belmonte
Album Talumpati [2011]
Ave. Rating: 1 (1 votes)

CHORUS 1
Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming nars dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nag-a-abroad sila

Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila


Lupa kong sinilangan, ang pangalan ay 'Pinas
Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
Nauungusan ng batas, parang inamag na bigas
Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas

Tumatakbo nang madulas; mga pinuno ay ungas
Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas
Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas

Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahinga'y iipunin para magamit pag-uwi
Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri
Mabahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti

Ng anak na halos 'di nakilala ang ama
O ina na wala sa tuwing kaarawan nila
Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba
Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na


CHORUS 2
Napakaraming inhinyero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming karpintero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nag-a-abroad sila

Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila


Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
Ang kapalaran ng lahat ng nakipagsapalaran
Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
Ng mahal sa buhay, ang sugal ay tatayaan

Isasangla ang lahat ng kanilang mga pag-aari
"Mababawi rin naman," 'yan ang sabi
'Pag nayari ang proseso ng papeles para makasakay na
Sa eroplano o barko kahit saan man papunta

Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
Ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
Lilisanin ang pamilya; ang amo kahit na sino

Gugutumin, sasaktan, malalagay sa piligro
Uuwing nasa kahon, ni wala man lang testigo
Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba
Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na


CHORUS 3
Napakaraming kasambahay dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming labandera dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nag-a-abroad sila

Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila


Subukan mong isipin kung gaano kabigat
Ang buhat ng maleta, halos hindi mo na maangat
Ihahabilin ang anak, para 'to sa kanila
Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba

Matapos lamang sa kolehiyo; matutubos din ang relo
Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo
Matagal pa kontrato ko; titiisin ko muna 'to
Basta ang mahalaga, ito'y para sa pamilya ko


CHORUS 4
Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming nars dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nag-a-abroad sila

Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman


Napakaraming tama dito sa atin
Ngunit bakit tila walang natira
Legend
     Male          Female          Duet          Main Artist          Background Voice
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 762