Home
“Sayang” by Gloc-9
Album G9 [2003] / Pinoy Champs [2005]
Words By Aristotle Pollisco
Music By Aristotle Pollisco
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Marami nang beses na kitang nakita na
Umiiyak at hindi mapalagay ang kalooban
Sinabi ko naman, 'di mo ko pinakinggan
Tapos pinagtawanan, sige bahala ka dyan

Ikaw lang ang iniisip maging sa panaginip
Ayaw ng nasa bingit ka ng hirap at pasakit
Lalo na kapag nahuhuli ko
Ang 'yong syotang may kasamang iba

'Di ko malaman kung pa'no ko sasabihin ang kulay
Ang nadaramang tunay at ialay ang buhay
Nang hindi matuluyang pang masugatan ang puso
Kahit wala sa uso, hindi umaabuso
Kahit pa meron ka ng iba, baby


CHORUS
Sumama ka sa 'kin doon sa may amin
'Di ka pababayaan, 'di ka paluluhain
Kung maibabalik ko lamang ang panahon
Nanligaw ako noon
Kung ako lamang ang pinili mo, baby
[Repeat]


Kahit wala akong kotse, Gabbana & Dolce
Na ineneregalo kahit na hindi noche
Buena, pero pag-ibig ko sayo'y wagas
Kahit bilangin bawat butil ng 'sang sakong bigas

Prutas na pinitas sa 'yo ko lang ibinigay
Handang lumusong sa tubig o tumawid sa tulay
May makapal na pitaka, damit na magara
Wala ko n'yan pero bakit 'di mo inakala na

Kaya kong punasan ang bawat luhang pumatak
Sasamahan ka hanggang sa dulo ng bawat yapak
'Di tulad ng lalaking kasama sa auto ngayon
'Di na nga hinatid sa bahay, 'di ka pa nilingon
Sige, baby


[Repeat CHORUS]


'Di ko naman gusto mangyari sa 'yo ang ganito
At alam ko na 'di naman ako ang s'yang gusto mo
Pero masasabi mo ba ang ikaw ay masaya
Lumalakas na ang ulan, nasaan na ba siya

Kahit sira ang aking payong ay handang umalalay
Kahit anong klaseng problema, lagi kang may karamay
At lagi mong iisipin na kung ako ang kapiling
Wala akong babaguhin, ikaw lang ang iibigin
Kaya...


[Repeat CHORUS twice]
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 419