Home
“Hinahanap ng Puso” by Gloc-9 feat. Hannah Romawac
Album G9 [2003]
Words By Aristotle Pollisco
Music By Jonathan Florido
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Pasensya na aking mahal
'Di naman ako magtatagal
Nais ko lamang marinig mo ang bawat nilalaman
Ng puso kong ito
Inaalay ko sa 'yo
Dinggin mo sana mga sinasabi ng awitin ko

Pilitin mang ibaling
At sa iba'y isalin
Ay 'di malimot ang halimuyak na hatid ng hangin
No'ng una kang makita
Hindi makapaniwala
Parang panaginip at langit aking nadarama


REFRAIN
Nais kong malaman mong ikaw ay aking iniibig
Sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib
Nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip
At magkalapit agwat ng ating daigdig


CHORUS
Hinahanap ng puso ang pag-ibig mo (makinig ka sana sa 'kin)
'Di ko malilimutan ang pagmamahal at ligaya na dala mo (laman ng aking damdamin)
At kung saka-sakali na kaya mo pang ibalik (sige na 'wag ka nang mag-alinlangan)
Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo


Ngunit ngayon alam ko na
Sadyang magkaiba
Ano nga naman ang 'di mo pwedeng makita sa kanya
Merong magarang kotse
Wallet na doble-doble
'Di tulad ko na 'di man lang makapanood ng sine

Sana'y malaman mo
Na mawala man ako
Ay may pag-ibig na laging gumagabay sa 'yo
'Di ka pababayaan
Laging aalagaan
Hanggang sa dulo ay tunay ang aking naramdaman


[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS thrice]



Hoh hoo
Legend
     Male          Female          Duet          Main Artist          Background Voice
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 655