Home
“Araw-gabi” by Regine Velasquez
Album Covers [2004]
Words By Ryan Cayabyab
Music By Ryan Cayabyab
Ave. Rating: 1 (1 votes)

INTRO


'Di biro ang sumulat ng awitin para sa 'yo
Para akong isang sira-ulong hilo at lito
Sa akin pang minanang piano tiklado'y pilit nilaro
Baka sakaling merong tono, bigla na lang umusbong


Tungkol sa ano man kayang awitin para sa 'yo
'Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono
Sampu man aking diksyunaryo kung ang tugma'y 'di wasto
Basta't isipin 'di magbabago damdamin ko sa iyo


CHORUS
Araw-gabi, nasa isip ka
Napapanaginip ka
Kahit sa'n magpunta

Araw-gabi, nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dal'wa


Biruin mong nasabi ko ang nais kong ipahatid
Dapat mo lamang mabatid laman nitong dibdib
Tila sampu pa'ng awitin ang natapos kong likhain
Ito ang tunay na damdamin, tanggapin at dinggin


[Repeat CHORUS]


Araw-gabi tayong dal'wa
(Araw-gabi, nasa isip ka
Napapanaginip ka)
Araw-gabi tayong dal'wa
(Araw-gabi, nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi, araw-gabi)


[Repeat CHORUS]


Araw-gabi tayong dalawa
Ahh
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 9,239