Home
“'Di na Nag-iisa” by Regine Velasquez
Album Darna [TV Soundtrack] [2005] / Till I Met You [Original Motion Picture Soundtrack] [2006]
Words By Jay Durias
Music By Jay Durias
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Kapag ako'y nag-iisa
Mayro'ng gumugulo
Sa aking isipan


Alam ko tayo'y nagmamahalan
Ngunit bakit ganito
'Di maipaliwanag


CHORUS 1
Hawakan mo'ng aking mga kamay
Bigyan ng kulay ang aking buhay


Mahal ayoko pang lumisan
Dito lamang ako
Dito sa tabi mo


Ngunit kailangan kong gawin 'to
'Di dahil nais ko
Sana'y unawain mo


CHORUS 2
Hawakan mo'ng aking mga kamay
Bigyan ng kulay ang aking buhay
At 'wag kang bibitaw
Huwag kang hihiwalay
Ika'y aking lakas
Pag-ibig na ito'y sadyang wagas


Ano kaya itong pagsubok
Na dapat kong dalhin
At dapat kong tanggapin


Mahal sa 'king paglalakbay
Ako'y nalulumbay
Kailangan bang mawalay


CHORUS 3
Hawakan mo'ng aking mga kamay
Bigyan ng kulay ang aking buhay
Habang pasan ko ang daigdig
Pag-ibig mo'y nananaig
At balang araw tayong dalawa'y magsasama


('Di na mag-iisa)
Ika'y kapiling na
'Di na nag-iisa
'Di na nag-iisa
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 868