Home
“Maghihintay Ako” by Regine Velasquez
Album Atlantika [Soundtrack] [2006]
Words By Chi Datu / Allan Feliciano / Jun Lana
Music By Chi Datu / Allan Feliciano / Jun Lana
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Malayo man ang umaga sa buhay kong ito
May liwanag ng pag-asa na sisilayan ko
Ikaw na s'yang tugon sa aking panalangin
Puso ko'y huwag sanang biguin
Dinggin ang bulong ng alon at hangin

Ating tadhana
Magkaibang mundo
Bakit pilit tayong pinaglalayo
Alam kong batid mo
Tayo'y iisang puso
Kaya't maghihintay ako

Kaytagal ng panahon, hanap-hanap ka
Poot ko'y napawi nang makapiling ka
Ngunit naglaho ka, sa akin ay nawalay
Bakit ang agos, ikaw ang tinangay
Mula sa dagat ng aking buhay

Ating tadhana
Magkaibang mundo
Bakit pilit tayong pinaglalayo
Alam kong batid mo
Tayo'y iisang puso
Kaya't maghihintay ako
Maghihintay ako

Malunod man sa lalim ng sakit
Aahon din sa paglalapit ng hangin
Alam kong ikaw saka ay babalik
Alam kong ikaw ay babalik, oh

Ating tadhana
Magkaibang mundo
Bakit pilit tayong pinaglalayo
Alam kong batid mo
Tayo'y iisang puso
Maghihintay ako
Maghihintay ako
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 1,255