Home
“Wanliteltu” by Agaw Agimat
Album R-15 [1994]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO
Buntis ka na naman
Pang-ilan na ba 'yan
'Di na natutuo


Apat-apat ang karga habang siya'y naglalaba
Lima ang nakasunod, maliban pa sa natutulog
Bareta sa kanan, tsupon na naman sa kaliwa
Ale, mag-ingat ka baka malabhan mo sila


REFRAIN 1
Bilangin mo, bilangin mo
Baka may nawawala


CHORUS
Wanliteltu liteltri litel indians
Porlitelpayb litelsiks litel indians
Sebenliteleyt litelnayn litel indians
Tenlitel indian boys and girls


Pagkatapos maglaba, mamamalantsa ka pa
Karga pa rin sila, daig mo pa si Buddha
Niluto mo'y sunog na, nalilito ka ba
Ale, mag-ingat ka baka maluto mo sila


[Repeat CHORUS]


Litung-lito na nga, ang ingay-ingay n'yo pa
Rinding-rindi ka na sa orkestrang uha (uha)
Dumating si Mister, ala'y nagyaya
Ale, mag-ingat, huwag kang tumihaya


REFRAIN 2
Bilangin mo, bilangin mo
Bago ka gumawa
Bago ka gumawa
Bago ka gumawa
Bago ka tumihaya


[Repeat CHORUS thrice]
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 503