Home
“Nasaan na nga Ba ang Pag-ibig?” by Agaw Agimat
Album Mantra [2004]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

May kaba sa aking dibdib
May ligalig sa aking isip
May nadaramang kaguluhan
Sa puso nati'y puno ng digmaan


Gumugulo sa aking isipan
Gustong isigaw nararamdaman
Mga pusong luhaan
Mga pasakit, kailan maibsan


Nasa'n nga ba ang pag-ibig
Ba't nadarama'y ligalig
Nasa'n nga ba ang pag-ibig
'Di nyo ba kami naririnig


Mga batang walang kinabukasan
Pakalat-kalat sa lansangan
Magsasakang walang makain
Kanino kaya kanilang aanihin


Mga sundalo sa walang kwentang digmaan
Butas ang sapatos, walang laman ang tiyan
Mga manggagawang nagpapanday
Walang matir'han, wala pa ring bahay
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 553